Napakatamis! Jeff Cariaso Engaged na Kay PBA Courtside Reporter Erika Padilla

Larawan mula sa Instagram account ni Erika PadillaLarawan mula sa Instagram account ni Erika Padilla

Engaged na ang dating PBA player na si Jeffrey Cariaso sa kaniyang girlfriend at Sports5 reporter na si Erika Padilla.

Pumutok ang magandang balita nitong Abril 12 matapos mag-propose ng Alaska Aces assistant coach kay Padilla na kasintahan na niyang  mahigit sa dalawang taon; ayon sa ulat ng Rappler.

Naging mainit naman ang pagbati ng mga kabigan nina Cariaso, 44 at Padilla, 30, sa newly-engaged sports couple sa social media.

Si Sel Guevarra na isa ring reporter at katrabaho ni Padilla sa Sports5 ay nagbahagi ng short clip ng proposal sa kaniyang Instagram account.

The Titan is off to wed his goddess,” ani Guevarra sa Instagram  sa kaniyang followers nitong Abril 12.

Coach Jeff, you had my vote since day 1! Love you guys!”

@thejet_22 ❤☇❤ @padillaerika

A post shared by S E L G U E V A R A (@projectsexystrong) on

Si Cariaso ay naging 1995 PBA Rookie of the Year at dating  Finals MVP. Minsan na rin anging headcoach ng Barangay Ginebra San Miguel. Bahagi si Cariaso ng unang Grandslam ng koponan ng Alaska sa PBA sa ilalim ni coach Tim Cone.

Isang video naman ang ibinahagi sa social media mula sa Aces staff, personnel at mga manlalaro  na may  background song pa ni Whitney Houston sa awiting “I Will Always Love You”