‘Not Plastic Fantastic’: Modelo sa Russia Tila Isang Barbie Doll sa Kagandahan

Larawan mula sa Instagram ni Julia KriegerLarawan mula sa Instagram ni Julia Krieger

Kabigha-bighani at tila isang Barbie doll sa kagandahan ang isang modelo mula sa bansang Russia.

May asul na mga mata, matangos na ilong at seksing pangangatawan,  aakalain mong isang Barbie doll sa kaniyang kagandahan ang modelong si Julia Krieger.

Просто жить, пока не умрешь, – уже тяжелая работа…

A post shared by Julia (@_julia_kriger_) on

Ang  blonde beauty, diumano, ay mula sa  Novosibirsk, Russia.

Pinananatili ng modelong ito ang pagiging natural ng kaniyang mukha kabilang ang kaniyang matingkad na mga mata na ayon sa kaniya’y kaunting make up lamang ang kailangan upang madagdagan ang kaniyang kagandahan.

Ayon sa ulat ng  The Sun, sinabi ni Julia, “The first time I got compared with Barbie was at school. I wasn’t surprised because it just means having a neat look and symmetrical facial features.”

[Una akong naikumpara kay Barbie noon sa paaralan. Hindi ako nasorpresa dahil nangangahulgan lamang ito ng pagkakaroon ng malinis na anyo at symmetrical na facial features.]

Samantala, aminado naman ang modelo na ito’y sumailalim sa breast enhancement surgery nang sa gayon siya ay nasa D-cup size na.

It means I can wear any dress that looks better without underwear and they look just great,” ani Julia.

[Ito’y nangangahulugang makapagsusuot ako ng anumang damit nang walang pang-ilalim at napakaganda nito sa paningin.]

Ang mala-manikang kagandahan ay may  18,300 followers na sa kaniyang  Instagram account.

Замри… И молча мне в глаза смотри…

A post shared by Julia (@_julia_kriger_) on

С 8 марта, девчули😘🌹

A post shared by Julia (@_julia_kriger_) on