Oplan Galugad:  Bomb Notes, Nakuha sa Dating Pulis sa Loob ng Selda sa Camp Bagong Diwa

Imahe mula sa video ng ABS CBN

Nakumpiska sa isang dating pulis ang ilang bomb-making notes habang nagsasagawa ng biglaang inspeksiyon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig nitong Abril 24.

“Siya ay dating member ng pulis. Ang last known assignment niya ay doon sa Zamboanga, doon sa PRO (Police Regional Office) 9,” ayon kay Metro Manila police chief Director Oscar Albayalde.

Kinilala ni  Albayalde si PO3 Phon Mansul Mohammad; dating pulis na nagmamay-ari ng pocket-sized notebook at nakadetalye rito ang mga paraan kung paano gumawa ng improvised explosive devices at car bombs.

Nagsagawa ang mga awtoridad ng “Oplan Galugad” at dito natagpuan ang notes sa loob ng SICA-1 (Special Intensive Care Area) detention facility, kung saan may nakapirming 396 high-profile inmates.

Ayon kay Albayalde, kasama ni Mohammad sa kaniyang selda ang iba pang high-risk detainees,  kabilang umano ang mga terorista at rebeldeng komunista.

Dagdag pa ni Albayalde, natagpuan ng mga jail warden ang 19 cellphones sa parehong selda noong nakaraang linggo.

Iniimbestigahan po iyan ng ating BJMP (Bureau of Jail Management and Penology), ang nangyari doon sa loob at gaano talaga kalawak ang naging network ng detainee na iyan,” aniya.

Ilan din sa mga nakumpiska sa isinagawang raid nitong Abril 24 ang mga cellphones,  lists of contacts at drug paraphernalia mula sa Camp Bagong Diwa at iba pang mga annex, kabilang ang SICA-1, SICA-2, Manila City Jail Extension, Quezon City Jail Extension at Taguig City Jail Extension.

Ang isinagawang “Oplan Galugad” ay bahagi ng paghahandang panseguridad sa nalalapit na 30th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.

Samantala tiniyak naman ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang seguridad sa naturang event.

Panoorin ang video na ito mula sa ABS CBN:

 

Source :

ABS CBN, PhilStar