Pagbibigay ng Edukasyon, Pagpapalakas ng Spiritual Aspect, Makatutulong sa Drug Dependents

Larawan mula ABS-CBN via Facebook page

“Ang pagbibigay ng edukasyon at pagpapalakas ng spiritual aspect ay dapat gawin nang magkakasama upang matulungan ang mga ito na itigil ang paggamit ng ilegal na droga at upang magkaroon ng malinis na buhay.”

Ito ang naging pahayag ni Dr. Danny Bornales ng Battle Against Drugs sa mahigit 70 na sumuko sa paggamit ng ilegal na droga.

Ang mga sumuko sa Barangay day-as, Cordova, Cebu ay dumalo sa Drug Symposium and Recollection at Birhen sa Rosaryo Chapel sa Sitio Matab-ang, nitong Black Saturday.

Itinuro ng lecturers ng Battle Against Drugs and Crusade Against Drugs kung ano ang ill-effects at consequences sa paggamit ng ilegal na droga at kung paano permanenteng mahihinto ng dependents ang paggamit nito.

Ibinahagi naman ng chapel officials at parish priest ang paraan kung paano mapalalakas ng mga sumuko ang kanilang pananampalataya sa Diyos at kung paano nila i-renew ang kanilang buhay, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Dumalo rin ang ilan sa mga dating gumagamit ng ilegal na droga. Isinalaysay din nila ang kanilang mga karanasan at kung paano sila nakalalaya sa paggamit ng ilegal na droga.

Source :

ABS-CBN, Facebook