Palawan naghigpit ng seguridad, next target daw ng Abu Sayyaf?

Image from The Long War journal

Matapos ang madugong engkwentro sa pagitan ng mga Abu Sayyaf at puwersa ng pamahalaan sa Inabanga, Bohol ay isinailalim sa heightened security alert ang Palawan.

Ayon sa Abante, nagbigay ng babala ang mga awtoridad sa mga local government units, pulisya at militar sa Palawan matapos makasagap ng impormason na pinupuntirya ng Abu Sayyaf ang nasabing probinsya matapos ang bigo nilang pangingidnap sa Bohol.

Bagama’t bineberipika pa ang nasagap na impormasyon, minabuti na umanong alertuhin ang buong Palawan upang mahadlangan ang masamang balak ng bandidong grupo.

Base sa nasagap na impormasyon ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines, may isang grupo ng mga Abu Sayyaf ang diumano’y umalis sakay ng isang speedboat mula sa Mapun Island sa Tawi-Tawi at patungo raw sa Coron, Palawan.

Hiniling ng mga awtoridad ang pakikiisa ng lahat upang muling pigilan ang balak na pangingidnap ng mga bandido tulad ng nangyari sa Bohol.

 

Source :

Abante, ABS-CBN