Pangulong Duterte, umaasang napatay sa airstrike ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon

Image capture of video by RTVM Image capture of video by RTVM

Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinag-utos niya ang pambobomba sa bahay ni Isnilon Hapilon, ang lider ng Abu Sayyaf Group, dalawang buwan na ang nakalilipas.

Sa video ng RTVM na ibinahagi ng Inquirer, sinabi ng Pangulo sa investiture ceremony ng Boy Scouts of the Philippines sa Malacañang na ang problema ng mga Pilipino ay ang ilegal na droga at ang terorismo.

Aniya, si Hapilon, na hinirang ng ISIS bilang emir ng lahat ng puwersa ng Islamic State sa Pilipinas, ay kasama sa listahan ng most wanted terrorists sa Estados Unidos.

Ayon kay Pangulong Duterte, mula nang binomba ang bahay ni Hapilon ay wala nang narinig tungkol dito, kaya umaasa siya na napatay na nga ang lider ng Abu Sayyaf. Gayunman, sinabi pa ni Pangulong Duterte na istilo ng mga terorista na hindi magpakita nang matagal at pagkatapos ay bigla na lang lulutang.

Pero sana nga raw ay napatay na ito ng militar.

 

 

Source :

Inquirer, RMN

Loading...