[Panoorin] 2 Nigerian Arestado Matapos ang Diumano’y Pag-hack ng Bank Account  sa Cavite

Imahe mula sa video ng GMA via You TubeImahe mula sa video ng GMA via You Tube

Arestado sa isinagawang entrapment operation ng Tanza Cavite police ang dalawang Nigerian na diumano’y nag-hack ng isang bank account.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Samuel Esomchi Nomso, 38, ng Blk. 2, Lot 41, Rosal St., Brgy. Pasong Buaya 11, Imus City, Cavite at Akinluyi Ade Deji Titus , 42, ng Barangay Malagasang, Imus City, Cavite.

Ayon sa ulat ng GMA, modus umano ng dalawang banyaga ang pagha-hack ng mga bank at credit card account.

Ayon sa mga imbestigador, nitong Abril 3 nang mag-withdraw ang dalawang dayuhan sa isang bangko sa Tanza, Cavite gamit ang isang na-hack na account base sa abiso ng international bank sa New York, America.

Matapos ang ilang araw muling bumalik ang mga dayuhan at nagtangkang muling mag-withdraw ngunit dito na sila nasakote.

I have (the) right to remain silent because anything I say could be used against me in the court of law,” ayon kay Samuel Nomso Esomchi.

Nag-hack sila ng isang email account, tapos may inutusan silang mag-open ng isang account sa bangko natin. Ang plano nilang kunin ay more than P850k. Nag-withdraw sila ng P600k at bumalik sila the same day at winithdraw nila ang rest ng money,” ayon kay Sr. Insp. Redentor Talay, Tanza Police.

Ayon sa Tanza PNP, gumamit ang mga dayuhang hacker ng isang bank account at passbook ng isang Filipino na kanilang kinaibigan upang doon itago ang mga pera mula sa mga hacking activities.

Nakumpiska naman ang ilang mga paraphernalia sa mga dayuhan na ginagamit nila sa kanilang mga modus.

Nahaharap ang dalawang banyaga sa kasong paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2013).

Samantala, tiyaking lagi ninyong namo-monitor ang inyong mga bank accounts at credit cards.

Panoorin ang video na ito ng GMA: