Panoorin: Jennylyn, nakasamang muli ang tunay na ama sa Korea

Imahe mula sa Facebook ni Jennylyn MercadoImahe mula sa Facebook ni Jennylyn Mercado

Muling nakasama ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kanyang tunay na ama.

Ayon sa GMA News, ngayong Holy Week break ay kasalukuyang nagbabakasyon si Jennylyn sa Korea kung saan naninirahan ang kanyang ama na si Noli.

Kamakailan ay sinabi ng aktres na susunduin na niya ang ama, na matagal nang naka-base sa South Korea, upang manirahan sa Pilipinas.

Napagkasunduan na raw ng mag-ama na sa Pilipinas na maninirahan si Noli, kasama ng buong pamilya ni Jennylyn.

Noong naghiwalay daw ang tunay na mga magulang ni Jennylyn, lumipad papuntang South Korea ang ama nito, at ang ina naman nitong si Jinkee ay nagtrabaho bilang domestic helper sa Dubai, kaya ang noo’y anim na buwan pa lamang na si Mercado ay naiwan sa kinagisnan niyang mga magulang.

Lumaki si Jennylyn sa kaniyang tito at tita na sina Roger at Lydia Mercado.

Sa kasamaang palad, apat na araw matapos niyang isilang ang kanyang anak kay Patrick Garcia ay sumakabilang buhay ang kanyang kinilalang ama.

Ang kinilala niya namang ina na si Mommy Lydia ay pumanaw na rin noong nakaraang Oktubre, sa edad na 74 dahil sa sakit na sepsis.

Narito ang ulat tungkol sa pagkikitang muli nina Jennylyn at ng kanyang tunay na ama: