[Panoorin] Malaysian Student, Kinasuhan ng Murder Matapos Iluwal ang Kaniyang Bagong Silang na Sanggol sa Toilet Bowl

Larawan mula sa video ng Star TV via You TubeLarawan mula sa video ng Star TV via You Tube

Isang 20-anyos na babaeng college students ang sinampahan ng kasong murder ng magistrate’s court sa pagluwal ng kaniyang bagong silang na sanggol na lalake sa isang toilet bowl ng hostel sa Malaysia.

Ang suspek ay kinilalang si Nur Izzati Adi, first year student sa kursong food processing sa agricultural college sa Bukit Kayu Hitam,

Napatango na lamang si Nur Izzati nang basahin ang sakdal laban sa kaniya nitong Abril 10.

Si Adi ay bunso sa apat na magkakapatid at mula sa Sungai Petani.

Ayon sa ulat ng Straits Times, hinihinalang pinaslang ng Malaysian ang sanggol sa palikuran ng mga babae sa ikatlong palapag ng naturang kolehiyo dakong  ika-5:20 ng hapon nitong Marso 30.

Siya ay kinasuhan ng murder sa ilalim ng  Section 302 ng Penal Code.

Walang plea ang naitala mula kay Nur Izzati ayon sa kaniyang kinatawan na si Tunku Intan Mahiya Tunku Mahamad. Si Deputy Public Prosecutor Parihah Ab Kadir ang nagsakdal.

Ang Malaysian ay hindi pinayagang magpiyansa at ipiniit sa Pokok Sena.

Sa Hunyo 7 itinakda ni Magistrate Nurfadrina Zulkhairi ang re-mention ng nakabinbing kaso para sa pagkumpleto ng post-mortem report.

Nauna nang inimbistigahan ng mga awtoridad ang kaso ng pagtago ng kapanganakan ng sanggol at palihim na pagluwal nito. Ngunit napatunayan ang murder  matapos lumabas sa inisyal na post-mortem report na buhay ang sanggol.

Inaresto rin ng mga awtoridad ang isang chalet assistant mula sa Pendang na nabanggit sa imbestigasyon.

Panoorin ang video na ito mula sa Star TV: