[Panoorin] Matapos Matanong Tungkol sa Love Life; UKG Host Gretchen Ho, Nag-walk Out sa Isang Panayam

Larawan mula sa Instagram ni Gretchen HoLarawan mula sa Instagram ni Gretchen Ho

Nag-walk out nga ba?

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-walk out ni dating  Ateneo Lady Star at host ng Umagang Kay Ganda na si  Gretchen Ho sa panayam nito sa Down The Line episode 9 ng ABS CBN.

Nakapagtanong ang  host na si  Anton Roxas kay Ho ng may kaugnayan sa lovelife nito.

Nilinaw naman umano ni Ho na bago pa man ang naturang panayam ay iwasan muna ang mga tanong na may kaugnayan sa kaniyang personal na buhay ngunit hindi naiwasang matanong ito sa kaniya kaya naman hindi ito nagustuhan ng UKG host; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Sa video ay mapapanood ang pag-walk out ni Ho matapos nitong hindi magustuhan ang tanong sa kaniya.

Nagitla ang mga host na sina Anton at Denden sa biglaang pagwo-walk out ni Ho, kasabay ang pagwika: “Dude, nakakahiya,” matapos ang  nakahihiyang pangyayari. Sila ay malalapit na magkakaibigan. Si Anton ay halos hindi makapaniwala sa pag-walk out ni Ho at agad naman niya itong sinundan sa silid.

Noong nakaraang buwan ay kinumpirma nina Ho at ng host na si  Robi Dominggo ang kanilang hiwalayan.

Panoorin ang video na ito mula sa ABS CBN: