Panoorin: PBA legend Atoy Co naghahanap ng bagong basketball superstars sa ‘Palaro’

Imahe mula sa YouTube

Dumalo ang dating player ng Crispa at isa sa mga top 25 greatest PBA player na si Atoy Co sa Palarong Pambansa 2017 upang maghanap umano ng mga susunod na basketball superstars.

Ayon sa Bombo Radyo, pinagkaguluhan ng mga atleta si PBA legend Co pagdating niya sa Binirayan Sports Complex.

Si Co, o Fortunato Gan Co Jr., ay isa sa maraming collegiate basketball coaches na pumunta sa Antique para mag-scout ng mga susunod na basketball superstar.

Sa isang panayam kay Co, inihayag nito na marami sa mga high school students sa kasalukuyan ang may potensyal sa paglalaro ng basketball. Dagdag niya, nagbabakasakali siya na may makitang player na may katangian na kagaya ng kanyang hinahanap.

Ilan sa mga katangiang hinahanap ni Co sa isang basketball player ay may malaking pangangatawan at may tangkad na 6’3″ hanggang 6’4″ ang height. Ito raw kasi ang edge ng isang player para makapaglaro nang mabuti sa isang basketball tournament.

Umaasa si Co na makahahanap ng bagong star player sa Mapua Institute of Technology Cardinals.

Ang Cardinals ay isa mga top collegiate teams sa National Collegiate Athletic Association (NCAA), na tinaguriang pinakamatandang inter-college basketball tournament sa buong bansa.

Kilalanin ang dalawa sa mga atleta sa Palarong Pambansa na kinakitaan ng potensyal ni Coach Atoy Co: