[Panoorin] Pulis nanuntok umano ng babae sa Makati

Image capture of video by Evan Tan via Facebook

MAYNILA, Pilipinas – Isa umanong ng pulis ang nahuli sa camera na nanuntok ng isang babae sa lungsod ng Makati kamakailan.

Ang mga video ng naturang pangyayari ay ibinahagi sa Facebook ng netizen na si Evan Tan nitong Linggo, ika-2 ng Abril.

Sa nasabing video, makikita ang tatlong unipormadong pulis na nakapaligid sa isang babae. Nahuli rin sa isang video ang tila panununtok ng isang pulis dito.

Ayon sa Facebook post, tinutukan din umano ng baril ng pulis ang biktima.

Hindi naman naipaliwanag sa naturang post kung ano ang nangyari subalit mayroon itong caption na: “Police are beating up a girl here in Makati Avenue. One of them drew a gun and pointed it at the girl. What a way to end International Women’s Month. Who watches the watchmen?”

Subalit sa ulat ng GMA News, hindi umano kumbinsido ang Makati City Police Office na may sinuntok sa video dahil wala naman nakitang sinuntok sa video.

Sa panayam naman sa isang kaibigan ng biktima, ikinuwento nito na kinaladkad daw ng mga pulis ang babae papunta sa isang outpost sa kalye ng P. Burgos sa may Makati Avenue bago ito sinuntok sa tagilirang sikmura.

Nangyari daw ang insidente noong Sabado ng gabi.

“While they we’re dragging her back to the small police box at the corner of the street the cop that had her locked in his arm was punching the side of her stomach,” kuwento ng saksing kaibigan.

Ayon naman kay Senior Superintendent Tomas Apolinario, hepe ng Southern Police District (SPD), napanood niya rin ang video subalit hindi malinaw dito kung may sinaktan nga ang mga pulis sa video.]

Ganunpaman, ipinag-utos na umano ng opisyal na imbestigahan ang pangyayari.