“Papa Bear”, ang top drug pusher ng Calumpit arestado na

Image from DWIZ Image from DWIZ

Naaresto ng mga pulis si Manolito Martin alyas “Papa Bear” sa loob ng Malolos General Hospital matapos nitong dalawin ang kanyang bayaw na ginagamot doon matapos mabiktima ng pamamaril.

Ayon sa ulat ng GMA, si Papa Bear umano ang top drug pusher sa Calumpit, Bulacan at sinasabing umaabot pa hangang Apalit, Pampanga ang pagbebenta niya ng droga.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang bag na may lamang isang granada, 9mm na baril, mga bala at tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Itinanggi naman ni “Papa Bear” na may dala siyang shabu. Aniya, baril lang ang dala niya bilang pang  self-defense.

“Pang self-defense. Natakot lang po kami nung may mangyari dun sa bata kaya po nung sinundan namin siya nagsiguro lang po kami,” ani Papa Bear.

Sa pahayag ng barangay chairman na si Rudy de Castro, si Martin ay isa raw drug surrenderer, pero matapos sumuko ay muling bumalik sa pagbebenta ng droga.

Sinabi naman ni Calumpit PNP chief Supt. Santos Mera Jr. na lahat ng nahuhuli nilang tulak ng droga ay si Martin ang itinuturong source ng shabu.

 

Source :

GMA Network