Pari na Nabigay ng mga Puna sa Misa ng Kasal, Inireklamo

Larawan mula sa iloiloinfocen via Aksyonradyo Iloilo Facebook pageLarawan mula sa iloiloinfocen via Aksyonradyo Iloilo Facebook page

Isang pari sa bayan ng Sta. Barbara sa Iloilo City ang inireklamo matapos itong mabigay ng mga puna sa isang misa sa kasal noong Abril 5.

Ayon kay Rey Siodina, 55-anyos at naninirahan sa lugar, pinuna ni Monsignor Juanito Tuvilla ang suot ng bridesmaid sa kasal ng kanyang anak.

Ani  Siodina, sinabi ni Monsignor Tuvilla na sana ay nagsuot na lang ng bra at panty ang mga bridesmaid sapagkat kinulang ang mga ito ng damit.

Dagdag pa ni Siodina sinabi rin ni Monsignor Tuvilla na “simbahan at hindi palengke” ang nasabing lugar.

Ito ay kasunod umano ng maingay na flower girls na nakalinya.

Saad ni Siodina, ang bride ay napaiyak dahil sa kahihiyan mula sa mga binitiwang salita ni Monsignor Tuvilla.

Ayon sa ulat ng Brigada News, hinihintay pa ang panig ni Monsignor Tuvilla hinggil sa nasabing isyu.