Petisyon ng mga Binay na magtungo sa Israel, tinutulan dahil flight risk umano ang mga ito

Image from DZRH Image from DZRH

Hiniling ng Office of the Special Prosecutor na nasa ilalim ng Office of the Ombudsman na huwag payagan ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa ang mag-amang sina dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay, Jr dahil flight risk umano ang mga ito.

Maituturing umanong flight risk ang mag-ama, na nauna nang humiling na payagan silang magsagawa ng labinlimang araw na pilgrimage sa Israel sa darating na buwan ng Mayo, dahil sa mga kasong isinampa laban sa kanila. Kasama rin sa nasabing pilgrimage si Ginang Elenita Binay, na may kasong malversation, at iba pang miyembro ng pamilya.

Ayon sa ulat ng Philstar, sinabi ng mga prosecutors na bigong magbigay ng personal at propesyunal na rason ang mga Binay na magpapakita na kailangan nilang bumalik sa bansa.

Dapat umanong limitado lang ang karapatang maglakbay ng mga Binay lalo na’t may kinakaharap silang mga kasong kriminal na may kinalaman sa P2-bilyong public funds na hinahabol sa kanila ng pamahalaan.

 

Loading...