[Photos] Magiging baby ng mag-asawang Heart at Chiz, posibleng ‘made in Italy’?

Image via Instagram

Marami sa mga celebrities ang may kanya-kanyang lugar na pupuntahan para magbakasyon ngayong Holy Week. Ang iba ay nagtungo sa mga probinsiya, ngunit marami rin ang mas piniling sa ibang bansa naman magtungo. Mahaba-haba kasi ang bakasyon tuwing Holy Week, kaya ito’y sinasamantala ng karamihan sa atin.

Isa na rito ang mag-asawang Senator Chiz Escudero at aktres na si Heart Evangelista na ini-enjoy ngayon ang bakasyon sa Florence, Italy.

Ayon sa isang source ng Abante, ngayon pa lang ulit nakapagbakasyon ang mag-asawa sa labas ng bansa pagkatapos ng eleksiyon. Kapwa kasi hectic ang schedule ng dalawa at ayon pa sa source, malaki raw ang posibilidad na maging made in Florence ang magiging unang baby nila.

❤Us ❤ #lmetravels #CHtravels #florence

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Sundan sa susunod na pahina para sa iba pang larawan ng mag-asawa.