[Photos] Babaeng Kahawig ni ‘Mulan’, Bumihag sa Maraming Puso ng Netizens

Imahe mula sa Facebook page ng WittysismImahe mula sa Facebook page ng Wittysism

Natagpuan na nga ba si Mulan sa totoong buhay?

Viral ngayon sa social media ang isang babaeng tila kahawig daw ni Walt Disney character, “Mulan.”

Ang babaeng ito’y kinilalang si Sasha Gloria. Ang babaeng may maamong mukha  at may napakagandang hubog ng katawan at nakabihag sa puso ng maraming netizens.

Sa Facebook page na ibinahagi ng Wittysism,  makikita ang pagiging magkamukha ni Mulan at ni Sasha na nakatawag pansin sa mga netizens.

Ang larawang ibinahagi na ito sa social media ay kasalukuyang may  6K reactions at halos 5,000 shares as of posting.

Habang ang marami ay nagsasabing si Mulan ang kamukha ni Sasha, para sa iba naman ito’y kahawig daw ng isa pang Walt Disney Character na si Moana.

Ang Mulan ay isang animated musical action-comedy-drama film mula sa Walt Disney Feature Animation. Ang istorya ni Mulan ay hango sa Chinese legend na si Hua Mulan.

Sentro ng istorya ito si  Fa Mulan, anak na babae ng mandirigmang si Fa Zhou, na nagpanggap na isang lalaki upang palitan sa puwesto ang  kaniyang ama upang labanan ang mga Huns.