Silipin! Pinagtaguan ng Abu Sayyaf, Matatagpuan sa Isang Kuweba sa Bohol

Larawan mula Municipality of Inabanga via Facebook page

Matatagpuan sa isang maliit na kuweba sa Bohol ang pinagtaguan umano ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ang nasabing kuweba ay nasa Sitio Lagsing, Barangay Bacani sa border ng mga bayan ng Clarin at Inabanga.

Nitong Sabado, inilabas sa publiko ang mga larawan ng nasabing kuweba sa Facebook page ng Municipality of Inabanga.

Isang daang metro mula sa nasabing kuweba ay natagpuan ang labi ni Joselito Melloria, sub-leader ng Abu Sayyaf.

Si Melloria ay napatay bago pa siya makarating sa Inabanga, kung saan nagkaenkwentro ang mga militar at Abu Sayyaf nitong nakaraang linggo, ani Military Central Command chief Lieutenant General Oscar Lactao.

Ang mga bote ng soft drinks, sako at tsinelas ay natagpuan din sa nasabing kuweba, saad sa ulat ng ABS-CBN.

Source :

ABS-CBN, Facebook