Pinoy, itinanghal na US chess champion

Mga imahe mula sa YouTube videoMga imahe mula sa YouTube video

Isang Filipino na tubong Bacoor, Cavite ang itinanghal na bagong US chess champion matapos talunin sa dalawang tie breaker ang dating kampeon sa US Chess Championship.

Ayon sa Bombo Radyo, tinalo ng Pinoy na si Wesley So ang dating US champion na si GM Alexander Onischuk sa isang laban na ginanap sa Chess Club and Scholastic Center of Saint Louis sa Missouri.

Dahil sa panalong ito, nag-uwi si So ng cash prize na katumbas ng P2.5 million.

Ang 2017 U.S. Championship ay sinalihan ng 12-players kung saan ay sumabak sa round-robin tournament na kinatatampukan ng pinakamatitinding players ngayon sa Amerika.

Sa ngayon ay naglalaro na si Wesley sa ilalim ng bandila ng Amerika.

Panoorin ang panayam kay Wesley So matapos niyang manalo sa 27 US Chess Championship: