Pinoy singer Gerald Santos ibinahagi ang mga pinagdaanan bago nasungkit ang pangarap na Miss Saigon role

Image via YouTubeImage via YouTube

Masayang ibinahagi ng Pinoy singer na si Gerald Santos ang mga pinagdaanan niya bago nasungkit ang pinapangarap niyang role sa Miss Saigon.

Ayon sa GMA, nakuha niya ang role ni Thuy sa musicale na Miss Saigon U.K. tour.

“First round of auditions, I was surprised na maganda po ‘yung reaksyon nila agad sa akin. ‘Yung casting director that time sabi niya, ‘It was pretty good. You’re done, Gerald,’ sabi niya. Tapos ‘yun na, nabigyan na ako ng call back slip,” kuwento ng singer.

Pagbabahagi ng mang-aawit, naiiba ang inihanda niyang audition piece.

“‘Yong song ni Thuy, ‘yung Kim’s Nightmare. ‘Yong isa sa mga solos ni Thuy. Usually kasi, ang pinang-audition kapag male, Why, God, Why? or ‘yung kanta ni Engineer, American Dream,” wika niya.

Samantala, may isa pang world class Filipino performer na napabilang sa Miss Saigon U.K. Tour; si Red Concepcion na gaganap bilang Engineer.

Panoorin ang buong panayam kay Gerald Santos: