Posible raw na hindi pa tuluyang nakaka-move on si Britney Spears kay Justin Timberlake?

Imahe mula sa GoogleImahe mula sa Google

Kilala at pamosong singer sa buong mundo si Britney Spears na masasabing kabilang sa mga matagumpay na artists of all-time. Sa kabila ng maningning na karera ng singer sa larangan ng music industry, may isang bagay di-umano na pinagsisisihan niya hanggang ngayon — ito ay ang katotohanan na hindi sila tumagal ng ex-boyfriend na si Justin Timberlake.

Ayon sa mga ulat, sa upcoming episode ng National Enquirer Investigates ay magiging pokus ang naging karelasyon ng Pop star at dito din nila ibubunyag ang mga never-before-told secrets ng singer.

Samantala, bilang pagbabalik-tanaw, nakilala at naging sikat si Britney noong early 90’s nang sumali ito sa Mickey Mouse Club. Dito rin nag-umpisa ang bonding at closeness nila ng kanyang co-star na si Justin Timberlake, at ayon sa insider, doon nagsimulang namuo ang pagtitinginan ng dalawa.

“Inamin din ng dalawa na una nilang naranasan ang first kiss together noong nasa Mickey Mouse club pa sila,” pag-amin ni Melissa Cronin, Managing Editor ng National Enquirer.

Noong 2000, parehong sikat ang couple na binansagang “Pop Prince” at “Pop Princess” na labis namang ikinatuwa ng kanilang mga masugid na tagahanga.

“They were really each other’s first love,” kumpirma ng close friend ni Britney na si Alexsandra Wright.

Subalit taong 2002, naghiwalay din ang dalawa na ayon sa usap-usapan ay kapwa nagtaksil sa isa’t isa. Simula noon, naglabasan na ang mga usap-usapan na iba-iba ang sumunod na ka-date at naging karelasyon ng singer. Ngunit wala di-umanong makapapantay sa mga ito sa kanyang first love na si Justin.

Taong 2007 naman nang gulatin ni Britney ang buong mundo sa naging desisyon nito na magpakalbo. Usap-usapan na labis itong nadepress dahil na rin sa magkakasunod na dagok na dumating sa kanyang buhay.

Ngunit sa paglipas ng mahabang taon, nakabangon pa rin ito at nag-uumpisa siyang muli na maging seryoso sa career na nagbigay sa kanya ng malaking pangalan sa industriya ng musika.

At ayon sa survey, mukhang hindi pa raw tuluyang nakaka-move on ang singer sa kanyang first love. Posible kayang iniisip pa rin niya ang The One Who Got Away?

 

Loading...