Proposal sa Coldplay concert: Volleyball star Cha Cruz, engaged na!

Imahe mula sa instagram

Engaged na ang dating De La Salle University Lady Spiker at F2 Logistics player na si Cha Cruz sa kanyang long-time boyfriend na si Rey Behag sa nagdaang concert ng bandang Coldplay na ginanap  sa Seoul, South Korea nitong nakaraang linggo. Ang nasabing concert ay dinumog ng libo-libong tao na talaga namang pinag-usapan.

Ani Cruz sa kanyang madamdaming  post sa Instagram noong linggo: “In a sky full of stars, he gave me the brightest one.”

In a sky full of stars, he gave me the brightest one.❤❤❤

A post shared by Cha Cruz (@chaarcruz) on

Si Cruz, kilala bilang Miss Everything dahil sa kanyang pagiging versatile sa court ay naging two-time UAAP Most Valuable Player; isang karangalan na nagbigay sa kanya ng pangalan sa nasabing sport na hindi matatawaran ninuman.

Ngayon, hindi maikakaila ang bakas ng kasiyahan sa mukha ng dating Volleyball player dahil sa naging sorpresa ng kanyang long-time boyfriend. Marami man silang pinagdaanang mga pagsubok sa kanilang relasyon, sa huli, pinatunayan pa rin nila na  ‘true love wins’.

At higit sa lahat, pinatunayan nila na ang mayroon talagang tunay na pag-ibig.