Pulis-Rizal na Nangikil Kapalit ng Sex Video: “Na-set Up Lang Ako”

Imahe mula sa video ng Twitter account ni Maan Macapagal

Umabuso nga ba sa kaniyang tungkulin?

Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang isang pulis-Rizal matapos nitong humingi ng pera kapalit ng hindi pagpapakalat sa isang pribadong video.

Inaresto si SPO1 Gomercido Digma ng San Mateo police nitong Abril 23 matapos tanggapin ang P5,000 mula sa nagreklamo.

Itinanggi naman ni SPO1 Digma nitong Abril 24 na humingi siya ng pera kapalit ng hindi pagpapakalat ng isang video.

Ayon sa ulat ng ABS CBN,  nakuha diumano ni Digma ang video mula sa cellphone ng kinakasama ng complainant na si “Vera” na nahuli dahil sa kasong reckless imprudence resulting to homicide noong Enero.

Sana po hindi na lang ako nakipag-ugnayan para hindi ako nagkaganito,” ani Digma

Nang klaruhin  ng mga reporter kung na-set up siya, iginiit ng pulis na siya’y naset-up lamang:  “Opo… dahil po siguro sa hawak ko na kaso, related po doon,” dagdag pa ni Digma.

Sinabi pa ni Digma na hindi siya humingi ng pera mula kay Vera; aniya: “Siya po ang nag-offer noon.”

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng PNP Counter-intelligence Task Force (CITF) na inabuso ng opisyal ang kanyang kapangyarihan para sa pangingikil; ito’y sa kabila ng pagtanggi ng pulis sa akusasyon.

He is one of the investigators of the San Mateo police station… Sanay siya mag-imbestiga. Iyun nga lang, he is abusing the evidence na nasa kamay niya,” wika ni CITF commander Senior Supt. Jose Chiquito Malayo.

 

Ibinahagi rin ni Vera kung paano umano siya nakatanggap ng text mula kay Digma na nagsabing “for sale” ang kanyang video.

“Sabi ko, sir, pwede po ba kung saka-sakali na arborin ko ang video ko. Kase baka kumalat pa. Nakipag-chat siya, nag-usap na kami. Kung kaya ko daw na magbigay ng P5,000 kapalit nung video ko,” ayon kay Vera.

Bakit niya tinransfer ang video sa phone niya, eh nasa cellphone ‘yun ng boyfriend ko. Ibig sabihin may interest siya.”

Nitong Abril 23 ng madaling-araw, naaktuhan ng CITF si Digma na tumatanggap ito ng  marked money mula sa biktima sa JP Rizal, Marikina City.

Source :

Twitter, ABS CBN