Rallyista, Iprinotesta ang Paggiba sa Rizal Memorial Coliseum; Erap, Maninindigan?

Larawan mula sa public domain at file photo

(Manila, Philippines) Nagprotesta ang mga rallyista sa harap ng Rizal Memorial Coliseum hinggil sa umano’y tangka na paggiba sa nasabing istruktura kaugnay ng nauna nang nagpahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada na desidido ito na gawing commercial center ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

Lumahok sa nasabing rally sina Freddie Webb, dating Senador at baketbolista at si Ching Montenola, anak ni Antonio Delas Alas na gumawa ng plano sa stadium.

Ayon sa kanila, ang coliseum ay isang lugar na hindi dapat gibain dahil dito naganap ang mga makasaysayang sporting events sa higit 50 taon na.

Isa rin ang coliseum sa mga natitirang lugar kung saan maaaring mag-evacuate ang mga residente sa panahon ng trahedya, saad sa ulat ng ABS-CBN.

Ani Montenola, protektado ng batas ang nasabing coliseum. Aniya, ito ay sakotp ng Republic Act 10066 section 5 o Heritage Law.

Nakasaad sa nasabing batas na may proteksyon mula sa exportation, modification o demolisyon ang mga istrukturang may edad na 50 taon o higit pa dahil ito ay itinuturing na mahalagang cultural property.

Ang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) ay isang national historical landmark na idineklara ng National Historical Commission of the Philippines kung saan nakatayo ang ng Rizal Memorial Coliseum.

Sa inisyal na ulat ng Balitang DF, sinabi ni Estrada na nais ng lokal ng pamahalaan ng Maynila na gawing mas kapaki-pakinabang ang nasabing lupa na kinatitirikan ng RMSC.

Saad ni Estrada: “It is still owned by the City of Manila. May usufruct (rights) lang ang PSC (Philippine Sports Commission) sa 8.4-hektarya ng lupang nakatirik ang RMSC.”

Dagdag pa ni Estrada, ang conversion ng RMSC ay bahagi ng urban development program ng kaniyang administrasyon.