Renan Morales, nagsalita ukol sa mga akusasyon ni Kris Aquino

Mga imahe mula sa YouTube videosMga imahe mula sa YouTube videos

Ikinagulat daw ng dating car racer at ngayon ay konsehal ng Nueva Ecija na si Renan Morales ang mga akusasyon ni Kris Aquino, lalo na ang isyu na umano’y ginamit lang nila ng kanyang ina ang aktres.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, isang seven-minute video ang ginawa ni Renan para ipagtanggol ang sarili at ang ina niyang si Rhodora Morales, hinggil sa mga paratang ni Kris sa kanilang mag-ina. Ang purpose daw ng video ay gawing malinaw sa lahat ang tungkol sa isyu na na-delay sila ng bayad; at nang sinabi niya umano na iniibig siya ni Kris.

Itinanggi ni Renan na may sinabi siyang in love na sa kanya ang aktres. Aniya, hindi niya raw kayang sabihin ang ganoong bagay.

Tungkol sa pagpapadala naman ng bulaklak at lobo, normal lang naman daw na pinadadalhan ito ng kanyang mga tagahanga at producer.

Gayunman, tinatanggap pa rin daw nila ang apology ni Kris dahil mataas daw ang respeto nila sa aktres. Hangad din daw ni Renan na maging matagumpay ang aktres sa lahat ng kanyang gagawin.

Humingi rin siya ng tawad sa fans ni Kris at ipinagpasalamat niya rin ang pagkakataon na nakatrabaho ito.

Nakiusap din ito sa media na sana ay iyong totoo lang ang lumabas, at maging pantay sa pagbabalita.

Panoorin ang seven-minute video ng paliwanag ni Renan Morales: