Robin, puring-puri ang kabiyak ni Queenie; isa raw ‘magiting na lalaki’

Mga imahe mula sa Instagram at Facebook

Kung gaano katipid ang naging pahayag ni Robin Padilla tungkol sa kanyang anak na si Kylie at sa mapapangasawa nito, waring ganoon naman niya kagustong pag-usapan si Queenie at ang kabiyak nito.

“Oo, ‘yon si Queenie, napakagandang pag-usapan. Si Queenie ang dapat pag-usapan,” aniya.

Puring-puri ni Robin ang kabiyak ni Queenie.

“Walang pinakamasarap sa isang ama kung ‘di may magiting na lalaking kakatok sa pintuan mo at sasabihing, ‘Ang kamay ng iyong dalaga ay akin. At handa akong maging responsable, at ibigay sa kanya ang buhay na ibinigay n’yo,” wika ng aktor.

“‘Yon ang matindi ro’n. ‘Yong kayang pantayan ‘yong ibinigay kong buhay,” dagdag pa niya. Kaya ako na ang pinakamasaya,” dagdag pa niya.

Panoorin ang panayam kay Robin Padilla: