Sa Gitna ng Malakas na Pagyanig, Magsing-irog Ipinagpatuloy ang Pagpapakasal sa Batangas

Larawan mula sa Facebook Page ng ABS CBN/Facebook Account ni Jen PeradillaLarawan mula sa Facebook Page ng ABS CBN/Facebook Account ni Jen Peradilla

Tuloy ang kasal!

Hindi napigil ng malakas na pagyanig ang pag-iisang dibdib nina  Mark Coliyat at Jen Peradilla nitong Abril 7 sa Our Lady of Mercy Parish sa Taysan, Batangas.

Naganap ang pagpapakasal ng magsing-irog nitong Abril 7 ng hapon nang maganap ang pagyanig sa kasagsagan ng seremonya.

Ang lindol ay naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na probinsiya na nagdulot ng takot sa mga panauhin sa kasal at nagresulta sa pansamantalang paghinto ng seremonya.

Saksi ang photographer na si John Paul Vital sa pagnanais na matuloy ang kanilang pagpapakasal sa kabila ng isang malakas na lindol

Sa phone interview ng ABS CBN kay Vital, aniya nagsisimula nang mahulog ang mga alikabok mula sa mga pader ng simbahan malapit sa altar nang maupo ang mag-asawa.

I was near the back of the church and the ground started shaking, I saw the whole church shake and a pretty large amount of dust from the front altar started to fall, all of us were in shock and started to run out of the church, it was a pretty good 15 seconds of earthquake,” ani Vital.

Dagdag pa nito, na nagkukumahog na ang mga wedding guest sa takot na baka gumuho ang simbahan.

Sa kabila ng paglindol, ipinagpatuloy pa rin ng magsing-irog ang kasal. Tinanggap ng dalawa ang alok ng church organizers na sa grotto sa labas ng simbahan ganapin ang kasal .

Ayon pa kay Vital, nakaramdam pa rin ng pagyanig ang mga organizers habang nagse-set up malapit sa grotto.

Hindi na nag-aksaya ng panahon  ang magkasintahan nang maayos ang venue sa labas ng simbahan at agad na silang umupo malapit sa altar.

Inilarawan ni Vital ang magkasintahan na tila hindi alintana ang paglindol bilang pagtupad sa kanilang pangako ng  pagmamahalan.

It was a really memorable day for the couple and all the guests. After all the events, we still managed to go to the reception and take beautiful portraits of the couple,” saad ni Vital.

Source :

Facebook, ABS CBN