Sarah sa kasal nila ni Richard: Alangan naman ako pa ang magpropose

Mga imahe mula sa Facebook

Matagal na ring nagsasama sa iisang bubong ang celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez kung kaya’t marami ang nagtatanong kung may balak pa bang magpakasal ang mga ito.

Ayon sa Bandera, isa sa mga topic ng aklat na binuo ni Lahbati ay ang tungkol sa mga single mom kaya naitanong sa kanya kung may balak pa ba silang magpakasal ni Gutierrez, na ama ng kanyang anak na si Baby Zion.

“Darating din tayo diyan. We want that for Zion, for us, will get there. We already talked about it, alangan namang ako ang mag-propose,” wika niya.

Samantala, kung si Lahbati raw ang masusunod, nais na raw niyang masundan si Zion.

“Kung ako ang masusunod, I want to have a baby soon, but of course, I have priorities, Richard, Zion, my job, kung pagsasabayin ko lahat, mababaliw ako, so I need to take one step at a time,” saad niya.

Ikinuwento rin ng aktres na tinuruan niyang mag-ski si Zion kasama ang ama nito.

Discriminasyon sa mga Pinoy

Samantala, ibinahagi ni Lahbati kung paano ituring ng mga taga-Europa ang mga Pinoy. Aniya, katulong at drayber lamang ang tingin ng mga taga-Europa sa mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing bansa.

“There’s still this discrimination in Europe especially like you’re Asian, iba ang trato sa ‘yo, if you’re Filipino, they think lahat ng Filipino is maid. They think lahat ng Filipinos, driver,” kuwento niya.

Naitanong din kay Lahbati kung nakaranas na siya ng diskriminasyon o na-violate na ba ang karapatan niya bilang tao.

“A little, madali naman akong makipagkaibigan, like I’m quite friendly,” aniya.

Ang nasabing aklat ni Lahbati na “True Beauty: How To Glam Your Life Inside And Out” ay mabibili na sa lahat ng National Book Store at Power books branches nationwide, mula sa VRJ Books.