Shabu na nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon, kusang isinuko sa pulisya

Image from ViceImage from Vice

Kusang isinuko ng isang ginang ang halos isang kilo ng shabu na tinatayang aabot sa P3.2 milyon ang halaga. Pagmamay-ari umano ng kanyang mister, na nauna nang nahuli, ang ilegal na droga.

Ayon sa ulat ng Journal Online, magtungo umano ang ginang sa barangay hall sa kanilang lugar noong ika-18 ng Abril upang ipagbigay-alam ang balak na pagsuko ng droga, isang baril na kalibre .45 at ilang bala. Ang barangay chairman naman ang nakipag-ugnayan sa mga pulis ng Talipapa Police Station upang pormal na maisuko ang shabu at baril.

Sa salaysay ng ginang, na kinilalang si Joy Haldos, 42-anyos, ipinatago umano ng kanyang mister na si Joseph Haldos ang droga sa bahay ng isang kaibigan bago pa man ito naaresto sa isang buy-bust operation noong ika-1 ng Abril.

Ngunit dahil sa pangamba na maaresto rin sila ng pulisya dahil sa pagtatago ng ilegal na droga, nagpasya ang ginang na kusang isuko ang mga iyon sa awtoridad.

Loading...