Si Janine nga ba ang bagong pinopormahan ni Rayver Cruz?

Images via Facebook

Maraming haka-haka ngayon ang naglalabasan kung totoo nga bang nanliligaw si Rayver Cruz kay Janine Gutierrez. Ayon sa source, dalawang beses na raw pumunta ang Kapamilya aktor sa restaurant na pag-aari ng nanay ng Kapuso aktres na si Lotlot de Leon sa may Aguire Street, BF Homes, Parañaque City.

Kamakailan lamang ay nagkakilala na raw sina Rayver at Janine sa opening ng South Grill, ayon sa Balita.

“Malapit lang pala ang bahay nina Rayver sa restaurant, kaya doon sila kumakain ng kapatid niyang si Rodjun. Paborito nga niya ‘yung pork belly,” anang source patungkol kay Rayver. “Itinutukso si Rayver kay Janine at ang ganda ng ngiti ni Rayver, halatang kinikilig,” pagpapatuloy ng isang source.

“Nababaitan nga sa kanya si Lotlot, eh. If ever sigurong manligaw si Rayver kay Janine, welcome siya kay Lotlot kasi napakamarespetong bata raw,” kuwento pa ng nasabing source.

Ayon pa rito, saksi daw umano sila kung gaano kabait at karespetong tao ni Rayver, bukod pa sa pagiging gentleman dahil may alam daw ang source na babae na ang lumalapit at nagbigay ng motibo, pero hindi ito sinamantala ng aktor, na pinagtatakhan ng marami na hindi ito nakita ng magulang ni Sarah Geronimo noong sila pa.

Samantala, kabilang si Rayver sa fantaseryeng “Alamat” na ang bida ay ang love team nina Bailey May at Ylona Garcia na kasama ring umalis ng aktor para sa 25th anniversary show ng Star Magic sa Las Vegas, San Francisco at Hawaii through TFC sa loob ng dalawang linggo.

Makakasama rin ng aktor sa show na gaganapin sa Rio All Suite Hotel and Casino sa Flamingo Road ngayong Abril 14 sina Piolo Pascual, Jodi Sta. Maria, Kim, Xian, Liza Soberano, Enrique Gil, Janella Salvador, Arci, Robi, Eric Nicolas, Darren Espanto at Sam.

Naunang nagtungo sa Amerika ang mga nabanggit dahil may Abril 9 show sila sa Queen Elizabeth Theather, Vancouver Canada at sa martes, Abril 11 pa ang alis ni Rayver para sa Abril 14 show.

Sa ngayon, hindi pa kinukumpirma ng aktor ang isyung ito at kung saan na nga ba talaga patungo ang namumuong closeness nila ni Janine.

Source :

Balita , Kami, PEP PH