Sueno kay Duterte, Matapos Sibakin Bilang DILG Sec: “Hindi Po Ako Corrupt”

Public Domain

 “Hindi po ako corrupt

Ito ang naging pahayag ni  Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno matapos itong sibakin sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Abril 3 kasabay ng Cabinet meeting.

Iginagalang ni Sueno ang desisyon ni Duterte ngunit nilinaw nito na hindi siya corrupt.

Paniwala ni Sueno, posibleng nabigyan ng maling impormasyon si Pangulong Duterte mula sa mga matagal nang naglalaway sa kanyang posisyon; ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Sana lang daw ay nagsagawa ng validation ang Pangulong  sa nakuhang impormasyon kung saan tinanong lahat ang mga DILG personnel mula sa central hanggang field offices upang malaman kung sino sa kanila ang credible at mapagkakatiwalaan; ayon kay Sueno

My conscience is clear. Inuulit ko po, wala akong ginawa o ginagawang anomalya. What goes around comes around. I hope that they (referring to his detractors) will do better than I did in the DILG. I may be old, I may not be as articulate as my three lawyer-undersecretaries, but if there is one thing that I am sure of is I am not corrupt,” ani Sueno

Nauna nang inihayag ng Malacañang na may mas malalim pang dahilan sa pagkakasibak  kay Sueno sa puwesto kasunod ng mga diumano’y  korapsyon.

Ang desisyon ng Pangulo ay hindi lamang bunsod ng confidential memo ng tatlong undersecretaries na nakalaban ni Sueno, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella’

Nagsagawa ng sariling imbestigasyon si Pangulong Duterte at huwag daw kalimutang siya ay isang abogado, ani Abella

Saad pa ni Abella, sa naganap na cabinet meeting nitong Abril 3, tinanong ni Duterte si Sueno kaugnay sa naturang alegasyon ngunit sa closing remarks dito na inihayag ng Pangulo na sibakin na ang kalihim sa puwesto.

Nagkasagutan sina Duterte at Sueno ngunit hindi naman nagkainitan, ani Abella

Wala pang inihahayag ang Malacañang na posibleng bagong kalihim ng DILG.

Tumanggi na ring magbigay ng detalye si Abella sa sinasabing malalim na dahilan upang masipa si Sueno sa gabinete.

Apparently, the President has done due diligence and so he has checked into the matter and some people — some, you know, and apparently he has taken note of several legally untenable situations,” ani Abella.