Sunshine Cruz Degree Holder Na — “I did it!”

Larawan mula sa Instagram ni Sunshine Cruz

 “I did it!”

Wala na sigurong tatamis pa sa pag-abot ng ating mga pangarap.

Walang mapagsidlan ng katuwaan ang aktres na si Sunshine Cruz sa kaniyang pagtatapos ng kolehiyo sa kursong Psychology sa Arellano University.

Nitong Sabado, ibinahagi ni Sunshine sa kaniyang Instagram ang video at larawan ng kaniyang araw ng pagtatapos.

I did it! 🎓👍🏼☺️ #bapsychology #eteeap #arellano #arellanouniversity

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Ayon sa ABS CBN, si Sunshine, 39, ay sumailalim sa alternative program na pinapayagan ang mga working professionals na kumpletuhin ang kanilang schooling na hindi dumadaan sa traditional method ng naturang unibersidad.

Noong nakaraang taon ay ibinahagi ni Sunshine ang kaniyang plano na ipagpatuloy ang tertiary education, aniya: “It’s never too late to go back to school.” [Hindi pa huli upang mag-aral ulit.]

Sa mga nakaraang panayam, inamin nito na hindi niya natapos ang kaniyang pag-aaral dahil sa demand ng kaniyang pagiging aktres. Taong 1992 nang pumasok si Sunshine sa showbiz.