Suportado ni Maine Mendoza ng ALDUB ang same-sex marriage

Imahe mula sa Google

Buong-tapang na ipinakita ni Maine Mendoza ng ALDUB ang kanyang suporta sa same-sex marriage na kanya ring bagong adbokasiya ngayon. Nang bisitahin ng staff ng Inquirer ang 22-anyos na binansagang social media sensation at TV-film star sa kanyang bagong endorsement shoots, buong pagmamalaki niyang sinabi ang mga katagang: “Love is gender-blind. And I support same-sex marriage!”

Samantala, ipinakita ni Maine kung gaano ito kasayang kasama at kausap sa personal. Game umano ito sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng mga press people.

Pinatunayan ni Maine na may mabuti talaga siyang kalooban at intensiyon, batay sa mga binitawan niyang mga salita. Aniya: “Lahat ng tao, kahit anong kasarian, may karapatang magmahal kung sino man ang gusto nilang mahalin. Hindi ko ma-gets bakit hindi tanggap ng iba ang marriage equality. We should be allowed to do the things that make us happy, especially if we aren’t hurting other people.”

Labis na ikinatuwa ng mga nakarinig sa studio ang naging mabilis at bukal sa puso na sagot ni Maine.

Samantala, dumarami na rin ang mga artista sa Hollywood na sumusuporta sa mga karapatan ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT). Kabilang na rito ang mga kilalang personalidad na gaya nina Brad Pitt, Beyoncé, Anne Hathaway, Justin Timberlake, Daniel Radcliffe at ang pinakabago sa listahan na si Kanye West.