TB, isa pa rin sa pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Pinoy

Image from The Lancet

Nananatili pa ring isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino ang TB o tuberculosis sa kabila ng pagsulong sa medisina, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kamakailan lamang.

Ayon sa Philstar, sa ulat na isinumite ni DOH Secretary Paulyn Jean Ubial sa committee on health ng Kamara ay sinabi  niya na isa ang Pilipinas sa tatlumpung mga bansa na may mataas na bilang ng mga kaso ng TB.

Nangangahulugan umano ito na isa pa rin ang TB sa pangunahing sanhi ng kamatayan at paghihirap ng mga Pinoy. Ani Sec. Ubial, noong 2015 ay may 14,000 Pilipino ang namatay sa TB, samantalang mahigit 4.8 milyon, na karamihan ay mahihirap, ang nagkasakit ng ganito.

Pinasalamatan ng kalihim ang Committee on Health na pinangungunahan ni Rep. Angelina Tan na isang duktor dahil sa ginawang aksiyon laban sa nasabing sakit.

Si Rep. Tan ang may akda ng Republic Act 10767 na nag-aatas sa DOH na bumuo ng national plan of action upang labanan ang TB.

Source :

Philstar, DOH