US Embassy naglabas ng travel warning para sa Central Visayas dahil sa kidnappping

Image from Visa Philippines

MAYNILA, Pilipinas – Binalaan ng US Embassy sa Maynila ang mga Amerikanong turista na may balak maglakbay patungong probinsiya ng Cebu at Bohol sa Central Visayas dahil sa umano’y madalas na kidnapping sa rehiyon.

Sa ipinalabas na advisory ng embahada nitong Linggo, ika-9 ng Abril, sinabi nitong may natanggap silang impormasyon na may mga teroristang grupo na balak maghasik ng kaguluhan sa naturang mga probinsiya.

“US citizens are advised to carefully consider this information as you make your travel plans, and to review personal security plans, avoid large crowds and gatherings, and remain vigilant at all times,” ayon sa advisory.

Nagpaalala rin ang embahada tungkol sa patuloy na mga banta laban sa mga mamamayan ng US sa buong mundo, kabilang na sa Pilipinas, bilang bahagi ng nakasaad sa “World Caution” na inilabas noong nakaraang buwan.

“Extremists have targeted sporting events, theaters, markets, mass transportation systems – including airlines, and other public venues where large crowds gather. Crowded nightclubs, shopping malls, buses and popular restaurants have also been targets,” nakasaad pa sa travel warning.

“US citizens should be mindful of the importance of taking preventative measures to ensure their safety and security while traveling and residing in the Philippines,” dagdag pa nito.

Ilang beses nang nagpalabas ng travel warning ang Amerika para sa mga mamamayan nito sa Pilipinas dahil umano sa patuloy na banta ng terorismo sa bansa.