[Video] 101-anyos na Lola, Ibinulsa ang Kaniyang Ika-17 Gold Medal Matapos Magwagi sa  100-meter Sprint

Mga Imahe mula sa video ng Word Master's Game via You Tube

Nadagdagan na naman  ang koleksiyon ng gintong medalya ng isang centenarian sprinter matapos niyang magwagi sa 100-meter sprint.

Ang  101 taong gulang na lola na si Man Kaur, na mag-isang tumakbo sa 100 years-and-over category para sa naturang sport sa World Masters Games sa Waitakere Trusts Arena athletics stadium sa Auckland, New Zealand.

Ayon sa ulat ng NDTV, si Kaur ay nakapagtala ng  1 minuto at 14.58 segundo sa kaniyang pagtakbo. Kasabay nito’y  lubos  siyang nagpasalamat sa kanyang mga taga-suporta  habang iginagawad ang kanyang ika-17 gold medal.

Imahe mula sa Worl Master's Game via You Tube
Imahe mula sa World Master’s Game via You Tube

I enjoyed it and am very, very happy,” ayon kay Kaur. “I’m going to run again, I’m not going to give up. I will participate, there’s no full stop,” wika pa ni Kaur.

[Nag-enjoy at lubos akong natutuwa. Muli akong tatakbo, hindi ako susuko. Lalahok pa rin ako, hindi ako hihinto.]

Walong taon na ang nakalilipas nang sumabak sa athletic events si Kaur dahil sa sa impluwensiya ng kanyang 78 anyos na apo.

Panoorin mula sa video ng World Master’s Game 2017:

 

Source :

NDTV, Stuff, CNN