[Video]  5-anyos, Gumamit ng Kutsilyo  Upang Itaboy ang Truck Driver na Humarang sa Tindahan ng Kaniyang Lola

Imahe mula sa Stomp Facebook PageImahe mula sa Stomp Facebook Page

Siga sa edad na lima?

Isang 5-anyos ang gumamit ng kutsilyo habang nakikipagtalo sa isang truck driver dahil sa pagharang nito sa tindahan ng kaniyang lola sa Uyghur, China.

Mapapanood sa video na inup-load sa You Tube nitong  Abril 21 ang matapang na bata na kinilala sa kaniyang nickname na Xiao Pang habang inaamba nito ang isang fruit knife sa isang babaeng truck driver.

Gumawa ng ingay hindi lang sa Chinese social media ang batang tila siga sa kaniyang  murang edad.

Sa video na nanlilisik sa galit ang bata sa driver sabay ang sigaw ng: “You can’t park here! If you park here, I will beat you up!”

[Bawal pumarada rito, kapag pumarada ka rito, gugulpihin kita!]

Binantaan din ni Xiao Pang ang driver na bubutasin nito ang gulong sa harapan ng trak  kapag tumanggi itong umalis sa lugar, ayon sa ulat ng Stomp.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na si Xiao Pang ay napunta sa spotlight. Noong Abril 2016 nakuhanan ang bata habang tinataboy ang mga local authorities gamit ang isang metal pipe upang protektahan din ang tindahan ng kaniyang lola.

Nagpahayag naman ng pag-aalala ang ilang mga netizens sa pag-uugali ni Xiao Pang  sa social media site na Weibo.

Ayon sa isang netizen: “It is sad to see a child being so violent and yet his parents did not stop him.”

[Nakalulungkot na makita ang batang bayolente at hindi ito mapigilan ng kaniyang mga magulang.]

Ang isa nama’y nag-aalala na  baka tumimo sa isip ng bata na ang gulo ay makapag-aayos ng mga bagay.

Panoorin ang video na ito mula sa You Tube: