[VIDEO] 74 na tao, kabilang ang 11 na bata, patay sa chemical attack sa Syria

Mga imahe mula sa isang Facebook video ng Al Jazeera English.Mga imahe mula sa isang Facebook video ng Al Jazeera English.

Isang chemical  weapon attack umano sa Syria ang sanhi ng pagkamatay ng74 na tao, kabilang ang 11 na bata.

Sa isang video na ibinahagi ng Al Jazeera English  Facebook page, makikita na naghihingalo ang mga bata at matatanda na nabiktima umano ng chemical attack.

Kalunos-lunos ang kalagayan nila. Nakahandusay ang mga biktima sa kalye habang nangingisay. Ang ilan daw sa kanila ay sumusuka na ng dugo, saad ng ulat.

Tila ang sinisira umano ng chemical ay ang kanilang mga baga.

Makikita na sila ay binubuhusan ng tubig upang matanggal ang chemical na pumipinsala sa kanilang katawan.

Itinanggi naman ng Syrian military na nagmula sa kanila ang chemical attack.

Hinggil naman sa Russia, ang isang airstrike umano ng Syria ay tumama sa isang rebel warehouse na may lamang “toxic substance.”

Wala na nga bang katapusan ang kaguluhan sa Syria? Kay dami na ng mga inosenteng buhay na naabubuwis.

Panoorin ang Facebook video mula sa Al Jazeera English. Paalala:  Graphic images

I-click ang imahe upang makita ang video

I-click ang imahe upang makita ang video

 

Source :

Facebook