[VIDEO] Bata sa Albay, patay matapos suwagin ng kalabaw

Mga imahe mula sa isang Youtube video at Philippine Images FB page.Mga imahe mula sa isang Youtube video at Philippine Images FB page.

Matapos suwagin ng kalabaw, patay ang isang batang dalawang taong gulang sa siyudad ng Legazpi sa Albay.

Kinilala ang biktima na si Kimberly Joy Puche.

Batay sa ulat ng ABS CBN, ang bata ay naglalaro sa tapat ng kanilang bahay nang siya ay suwagin ng kalabaw. Ang kalabaw ay itinali sa harapan ng kanilang bahay.

Ang kalabaw ay pag-aari ng tiyuhin ng bata, sabi ni Karen, ang ina ng biktima. Nakiusap na umano ang ina ng biktima dati sa bayaw niya na huwag itali ang alaga nito malapit sa bahay nila, pero hindi ito nakinig.

Saad pa ng ina ng bata, mabagsik daw ang naturang kalabaw. Kung nakinig lamang umano ang kanyang bayaw, buhay pa sana ang kanyang minamahal na anak.

Dagdag ng ama ng biktima na si Joseph, maraming beses na raw nakasuwag ng tao ang kalabaw.

Panoorin ang buong ulat ng Umagang Kay Ganda sa Youtube video na ito:

Source :

ABS-CBN , YOUTUBE