[Video] Camarines Sur Watersports Complex, Dinarayo ng mga Turista

Larawan mula ABS-CBN News via Facebook pageLarawan mula ABS-CBN News via Facebook page

“Swimming, wakeboarding, wakeskating o water skiing ba ang hanap mo?”

(Pili, Camarines Sur) Dinarayo ng mga turista ang Camarines Sur Watersports Complex (CWC) sa kabila ng banta ng bagyong ‘Crising’ sa Kabikolan.

Patok ngayong Semana Santa ang nasabing lugar, ayon sa tagapamahala ng CWC.

Sa inisyal na ulat ng ABS-CBN, mas kaunti ang bilang ng mga dayuhang turista na karamihan ay dumarayo kapag hindi holiday.

Sa ngayon, fully booked na ang CWC at inaasahan pa ang pagdagsa ng mga turista ngayong tag-init.

Ang ilan sa mga nasirang wood cabana ng nasabing lugar ay unti-unti nang naibabalik matapos ang pananalansa ng bagyong ‘Nina’.

Samantala, piniling magbakasyon ngayong Semana Santa ng pamilya ni Robert Olaez, taga-Quezon City, sa Camarines Sur upang mag-swimming at mag-wakeboarding sa CWC.

Silipin natin ang CWC a video na ibinahagi ni Ronante07 sa You Tube.

CWC by night:

Source :

ABS-CBN, Facebook, CWC

Loading...