[Video] Driver ng Adventure, Naglabas Umano ng Baril Nang Businahan ng Motoristang Na-‘cut’ Niya sa BGC

Imahe mula sa video ng GMA via You Tube

Away-trapiko nga ba?

Isang driver ng  van ang diumano’y naglabas ng baril matapos siyang businahan ng kapwa motorista na kaniyang na-‘cut’ sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Ipinakita ang kuha sa dashcam nitong Abril 22 na na-upload din sa social media ng isang motoristang nagrereklamo kung saan makikita ang isang gray Adventure na van, na kita pa ang conduction number; ayon sa ulat ng GMA.

Nag-dirty finger pa ang driver at patuloy sa pagtakbo nang businahan ng nagrereklamong motorista ang biglang sumulpot na sasakyan.

Nanatili namang nakasunod ang nagrereklamong motorista at maya-maya pa’y may inilabas  na bagay na tila baril  ang nag-cut na motorista.

Ayon sa nagreklamong motorista, nakunan nito ng video ang driver ng Adventure ngunit hindi malinaw sa kuha ng dashcam kung baril nga ang inilabas nito.

Dagdag pa ng motoristang nag-upload ng video, ihahatid lamang nito sa opisina ang kanyang asawa nang maganap ang insidente at labis umano itong natakot sa pangyayari.

Ipinagbigay-alam na  sa mga awtoridad at sa Land Transportation Office ng nagrereklamong motorista ang insidente at iimbestigahan na.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

 

Source :

You Tube, GMA