[VIDEO] Ellen Adarna, nag-ala Marilyn Monroe sa pictorial ng Metro Magazine

Mga imahe mula sa isang Youtube video ng Metro Magazine.Mga imahe mula sa isang Youtube video ng Metro Magazine.

Nag-ala Marilyn Monroe ang sexy star na si Ellen Adarna sa pictorial ng Metro Magazine. Tila nabuhay sa katauhan ni Adarna ang super Holywood icon.

Matatandaan na sinabi noon ng tinaguriang “The World’s Hottest Math Teacher” na si Pietro Bosseli na hinahangaan niya ang mayuming dalaga. Sadya ngang kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa kagandahang taglay ni Adarna.

Sa isang artikulo ng Balita DF, nabanggit na naging dating kasintahan ni Adarna si presidential son, Sebastian “Baste” Duterte. Hinggil sa mga ulat, pinasaringan pa ni Pangulong Duterte na lagi noong kapiling ni Adarna ang kanyang anak bago mapabalita ang kanilang paghihiwalay.

Hindi kataka-taka na ang magandang dalaga ang magiging cover ng  Metro Magazine Body Issue 2017.

Panoorin ang behind-the-scenes ng naturang pictorial na ibinahagi ng Mega Magazine sa Youtube: