[VIDEO] Hiling ng 7-anyos na Syrian, Itigil na ang walang kuwentang digmaan

Mga imahe mula sa isang FB video, at sa ABC 7 Chicago FB page.

Nananawagan si Bana Alabed, 7 taong gulang na Syrian refugee, na itigil na ang walang katuturang digmaan sa Syria na kumitil sa libo-libong mamamayan; kasama na ang mga bata. Halos anim na taon na ang digmaan.

Matatandaan na kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang mga nakakapangilabot na video ng mga nabiktikma ng umano’y chemical attack sa Syria.

Sa ulat ng Balita DF  kamakailan, 74 tao, kabilang ang 11 na bata, ang namatay dahil sa chemical attack.

Nang malaman umano ito ni Bana, labis siyang nalungkot. Saad niya: “A lot died and no one helped them. The world is watching. The world doesn’t do anything.”

[Marami ang nasawi at wala man lamang tumulong sa kanila. Ang mundong ito ay nanonood. Pero walang ginawa ang mundong ito para tumulong.]

Hinggil kay Bana, pangarap niya na makapamuhay din nang normal ang mga kabataan ng Syria. Matutupad umano ito kung magtutulong-tulong ang lahat ng tao sa pagkamit nito.

“I want (them) to stop the war, and I want the children of Syria to play and go to school and live in peace… Together we can help them. Together we can save them,” sabi ni Bana, ayon  sa artikulo ng CNN.

[Gusto kong matigil na ang giyera, at ang lahat ng mga bata sa Syria ay makapaglaro, makapag-aral, at makapamuhay nang payapa… Kung tayo ay magtutulungan, maililigtas natin sila.]

Tunay na nakaaantig ng damdamin ang kanyang mga pahayag at kahilingan.

Panoorin ang panayam kay Bana ng CNN sa Facebook video na ito:

Source :

CNN, DF, Facebook