[Video] Isang Sasakyan sa Singapore Tinadtad ng Makukulay na Sticky Notes na Nakasulat ang “NO PARKING”

Larawan mula sa Facebook Page ng StompLarawan mula sa Facebook Page ng Stomp

Bilang isang driver at may-ari ng sasakyan, dapat ay responsible ka anumang oras. Hindi porke’t  marunong kang magmaneho ay magiging pasaway ka o iresponsableng driver ka na rin.

Halimbawa, trending ngayon sa social media ang isang sasakyan na may iba’t ibang kulay ng sticky notes dahil sa diumano’y hindi nito pagparada nang tama sa isang lugar sa Singapore.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Audrey Wee, mapapanood ang maikling video ng isang sasakyang may plakang SLA 7680T  na nakaparada at tinadtad ng makukulay na sticky notes. Sa bawat piraso ng papel ay nakasulat ang “NO PARKING”!

Mapapanood din sa video na umalis ang sasakyan nang may mga makukulay pa ring sticky notes na nakadikit.

Para sa ilang netizens ay nakaaaliw ang kakaibang tagpo na ito. Ayon sa ilan naman ay magsisilbing aral daw ito sa driver ng sasakyan.

Wika ni Wee, maaaring isang kalokohan daw ito.

Ayon kay Wee: “I think is own friend prank one. I saw a bunch of uni students get into the car laughing..

[Sa palagay ko isa itong kalokohan. Nakita ko ang ilang estudyante na nasa sasakyan na nagtatawanan.]

Panoorin ang video na ito mula sa Facebook Account ni Audrey Wee:

Source :

Facebook, Stomp