[Video] LTFRB: Drayber ng Provincial Bus, 6 na Oras lang dapat Magmaneho, Isnaberong Draybers, Tatanggalan ng Lisensiya

Image capture of video by ABS-CBN News via You Tube accountImage capture of video by ABS-CBN News via You Tube account

Ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na anim na oras lang dapat magmaneho ang mga drayber ng provincial bus at sinabi rin na tatanggalan ng lisensiya ang mga isnaberong drayber ng taxi.

Ayon sa LTFRB, kailangan na anim na oras lang ang pagmamaneho ng mga drayber ng bus upang matiyak ang kaligtasan ng mga bumibiyahe ngayong Semana Santa.

Kailangan din na may kapalitan ang drayber na may biyahe ng 12 oras.

Babantayan ng LTFRB at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga drayber at provincial bus.

Sakaling masangkot ang mga ito sa aksidente ay patong-patong na kaso ang kakaharapin ng mga ito.

Nagsimula na ring mag-ikot ang LTFRB, MMDA at local government unit (LGU) upang matiyak na ligtas ang biyahe ngayong Semana Santa.

Mahigpit na iinspeksyon ng LTFRB ang kondisyon ng mga bus at mga dokumento tulad ng business permit at prangkisa.

Nagbigay din ng special permit ang LTFRB sa mga bus na biyaheng probinsya upang makaiwas sa bus shortage.

Bantay sarado rin ng LTFRB ang mga isnaberong drayber ng taxi o mga drayber na nangongontrata ng pasahero.

Mawawalan ng lisensiya ang isnaberong drayber o nangongontrata ng pasahero.

Sa kampanyang ‘Oplan Isnabero’ ng LTFRB ay magmumulta ng P5,000 ang sino mang lalabag dito.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, dahil maliit lang ang multa at ang mga operator ng taxi ang nagbabayad ay maglalabas ng memorandum ang LTFRB na magsususpinde ng lisensya at aabot sa P15,000 ang multa.

Dagdag pa ng LTFRB, maaaring makansela ang certificate of public conveyance ng mga mahuhuli.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa TV Patrol:

 

Source :

ABS-CBN, You Tube