[Video] Mag-asawa Nanalo sa Lotto sa Ikatlong Pagkakataon

Imahe mula sa You Tube

Kung susuwertehin ka nga naman!

Napakasuwerte ng mag-asawang Barbara at Douglas Fink nang manalo sila sa lotto sa ikatlong pagkakataon.

Ayon sa ulat ng BBC, ang mag-asawa na mula sa Edmonton, Alberta  ay nagwagi ng C$8.2m o  (£4.9m)

Ayon sa mag-asawa, gagamitin nila umano ang pera upang ipantustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Family comes first,” ayon sa ginang. “We want to make sure that our daughters and our grandkids are looked after.”  [Una ang pamilya. Nais naming tiyakin na ang aming mga anak at mga apo ay areglado.]

Ang ilan sa mga premyo ay ilalaan daw nila para sa kanilang mga sarili. Plano rin ni Douglas na maglakbay at maghanap ng bagong bahay.

Barbara wants a new house, so she’ll get one,” ani Douglas sa lotto corporation. [Nais ni Barbara ng bagong bahay kaya bibili siya.]

Nauna nang nagbahagi si Douglas ng C$128,000 prize sa kaniyang apat na kaibigan noong 1989. Taong 2010 naman nang magwagi rin sa lotto ang mag-asawa ng C$100,000 prize.

Sa pagkakataong ito, isa lamang sa dalawang ticket-holders ang nakahula ng anim na tamang numero.

Si Barbara ang nakadiskubreng nanalo sila sa lotto habang ang kaniyang asawa ay nasa ibang bayan para sa trabaho.

Sinubukang tawagan ni Barbara ang kaniyang asawa upang ipagbigay-alam ang magandang balita ngunit hindi agad nito nasagot ang tawag.

“He didn’t answer, so I waited five minutes and tried again,” ani Barbara. “That time, he picked up. I said, ‘I did it again!'”  [Hindi siya sumagot kaya tumawag akong muli pagkalipas ng limang minuto.]

Panoorin ang video na ito mula sa BBC:

https://www.youtube.com/watch?v=qgoHmocPbTY