[Video] Mahigit 1 Libong Aftershocks Naitala; Mabini, Batangas nasa State of Calamity

Image capture of video by ABS-CBN News via You Tube accountImage capture of video by ABS-CBN News via You Tube account

Matapos magtala ng mahigit isang libong aftershocks sa magkasunod na lindol na yumanig sa Mabini, Batangas City, nitong Sabado ay idineklara nang nasa state of calamity ang nasabing lugar kung saan natukoy ang epicenter ng lindol.

Karamihan sa mga bahay ay nagkabitak-bitak at sa tent pansamantala nananatili ang mga residente.

Hirap pasukin ng rescuers ang ilang sitio sa Barangay Solo na nagtala rin ng landslide.

Ayon sa ulat ng Umagang kay Ganda, lima ang nasaktan at 50,000 residente na rin ang apektado.

Ang ilang bahagi ng Mabini General Hospital ay nasira rin dahil sa lakas ng lindol.

Ang lokal na pamahalaan ay umapila ng tulong tulad ng pagkain, tubig, gamot, kumot at tent sa mga apektadong residente.

Ang provincial government ay patuloy din ang pagsusuri sa pinsalang idinulot ng lindol sa tourist sites sa lalawigan na isa sa mga pinagkukunan ng kabuhayan sa Batangas.

Ilang antigong simbahan, resort at dive sports ang napinsala na rin ng lindol.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa Umagang kay Ganda: