[Video] Matapos Alalayan ng Driver sa Kalasingan, Babae Tinakasan Umano at Sinukahan pa ang Loob ng Taxi?

Imahe ni Sick ChirpseImahe ni Sick Chirpse

Umani ng batikos sa social media ang isang babaeng pasahero ng taxi matapos maibahagi ang isang video sa Facebook kung saan ay makikita siyang tila lasing na lasing sa loob ng isang sasakyan.

Ang babaeng pasahero  ay nakatulog umano sa loob ng kaniyang taxi dahil sa kalasingan nitong Abril 13.

Sa naturang video na ibinahagi a Facebook page ng Ginalingan Eh ay mapapanood ang pagtapik ng taxi driver sa pisngi at pagpindot sa ilong ng  babaeng nakasuot ng blazer jacket na puti, kulay gray na panloob at maikling maong short — upang gisingin ito sanhi ng kaniyang kalasingan.

Ayon sa taxi driver, siya na ang nagmalasakit, siya pa ang napahamak.

Dakong 4:30 umano ng umaga nang sumakay ang babae sa kaniyang taxi galing ng LA Café sa Mabini. Ang reklamo nito, ginawang hotel ang kaniyang taxi dahil halos doon na ito natulog at sumuka pa dulot ng kalasingan na nagresulta sa pagbaho ng loob ng kaniyang sasakyan.

Dakong 9:45 naman ng umaga nang magising ang babae;  galit at nagmamadaling umalis. Sa madaling salita, ang kawawang driver ay hindi binayaran sa pasahe nito.

L***e! Kaya wag pakalasing, mga ka tropa! Buti mabait ako sa ‘yo,” ayon sa driver.

Narito ang ilang mga reaksiyon ng mga netizens:

  •  “L.a cafè sa mabini? Pugad ng pa’walk yun manong .. haaay miss psalamat ka at sa mabuting kamay ka npunta .. kung iba yan bka headline kna .. di ntin alam ang istorya nia pero ano man ang prblema ntin, di un malulutas ng isa pang prblema gaya ng ginawa niang pglalasing .. muntik kpa mpahamak sa ginawa mo, nka perwisyo kpa ng naghhnapbuhay ..”

Para naman sa isa pang reader:  “Dapat dinala mo sa police station..for safetyness..but anyways tnx taxi driver..ur an angel for her.”

Upang mabasa at mapanood ang buong Facebook post,   i-click ang imahe.

Larawan mula sa Facebook Page ng Ginalingan Eh

Larawan mula sa Facebook Page ng Ginalingan Eh

 

Source :

Facebook