[VIDEO] Mga hurado, napa-wow sa ‘perfect’ performance ni Zia bilang Baby Spice sa Your Face Sounds Familiar

Xia poster

Pinamalas ni Xia Vigor ang kanyang “perfect” performance sa  Your Face Sounds Familiar nang siya ay naging mini-version ni Emma Button na sumikat noon bilang si Baby Spice ng tanyag na grupong Spice Girls.

Ayon sa ABS CBN News, pinasigla ni Vigor noong Sabado, Abril 1, sa Your Face Sounds Familiar ang “Stop” ng Spice Girls. Ang suot niya ay twin pigtails at fluffy pink jacket.

Saad ng mga hurado ng naturang programa, ang performance na iyon ni Vigor ang best niya mula nang nag-umpisa ang programa.

“Ito ang pinakamagaling mo na performance para sa akin,” sabi ni Ogie Alcasid sa kanya, ayon sa isang artikulo ng ABS CBN News.

“Bagay na bagay sa iyo –iyong hairdo at oufit, ikaw na ikaw iyan,” hirit naman ni Sharon Cuneta na namangha rin kay Vigor.

Hinggil kay Gary Valeciano: “Sa lahat ng mga performances mo pinatunayan mo na talagang gusto mong gawin ang mga ganitong klaseng bagay.”

Panoorin ang video ng performance ni Vigor sa Youtube mula sa Your Face Sounds Familiar:

Loading...