[VIDEO] OFW na biktima umano ng medical malpractice sa Saudi, humingi ng tulong sa konsulado upang habulin ang doktor na puminsala sa kanya

Mga imahe mula sa isang Youtube video.

Kahit na nanghihina pa dahil sa pinsalang kanyang natamo mula sa isang operasyon, nagtungo pa rin ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, Saudi Arabia upang humingi ng tulong. Nais umano niyang habulin ang doctor na puminsala sa kanyang katawan.

Ayon sa isang artikulo ng GMA News, ang biktimang si Jomel Barangan ay nagtungo sa ibang ospital matapos maoperahan ng isang doctor sa Saudi.

Doon daw niya nalaman na natamaan ng doktor na nag-opera sa kanya ang vital organs niya kaya ito na-infect.

Ang kalusugan umano ni Barangan ay lumala tatlong buwan matapos siyang operahan sa gallbladder ng hindi pinangalanang doktor.

Humingi raw ng tulong ang OFW sa konsulada upang kasuhan ang doctor na umopera sa kanya.

Panoorin ang Youtube video na ito na buhat sa ulat ng Balitanghali:

Source :

GMA News, YOUTUBE